1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 1

Ganito nagsimulang mangyari ang lahat ng bagay. Anim na araw nilikha ng Diyos ang kalawakan pati na rin ang lahat ng mga bagay. Nang nilikha ng Diyos ang mundo, madilim ito at wala pang laman, wala pang nabuo na kahit ano dito pero ang Espiritu ng Diyos ay nasa ibabaw ng katubigan.

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 2

Pagkatapos sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga ng liwanag. Nakita ng Diyos na maganda ang liwanag at tinawag niya itong “Araw.” Hiniwalay Niya ito sa dilim at tinawag niya itong “Gabi.” Ginawa ng Diyos ang liwanag sa unang araw ng paglikha.

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 3

Sa ikalawang araw, nagsalita ang Diyos at ginawa niya ang kalangitan sa ibabaw ng mundo. Ginawa ng Diyos ang langit sa pamamagitan ng paghihiwalay niya ng tubig sa itaas mula sa tubig sa ibaba.

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 4

Sa ikatlong araw, nagsalita ang Diyos at hiniwalay niya ang tubig sa lupa. “Lupa” ang tinawag Niya sa tuyong bahagi. Mga “Dagat” naman ang tinawag Niya sa katubigan. Nakita ng Diyos na maganda ang kanyang nilikha.

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 5

Pagkatapos sinabi ng Diyos, “Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri ng puno at halaman.” At nangyari nga iyon. Nakita Niyang maganda lahat ng ginawa niya.

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 6

Sa ika-apat na araw, nagsalita ang Diyos at ginawa niya ang araw, buwan, at mga bituin. Ginawa niya ito para magbigay ng liwanag sa mundo at para maging palatandaan ng araw at gabi, panahon at mga taon. Nakita Niyang maganda lahat ng ginawa Niya.

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 7

Sa ikalimang araw, nagsalita ang Diyos at ginawa niya lahat ng lumalangoy sa tubig at lahat ng uri ng ibon. Nakita niyang maganda ang mga ginawa niya kaya pinagpala niya lahat ng mga ito.

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 8

Sa ika-anim na araw, nagsalita ang Diyos at sinabi, “Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa!” At ganon nga ang nangyari. May mga hayop na pangbukid, may mga hayop na gumagapang sa lupa, at may mga maiilap na hayop. Nakita niyang maganda ang mga ito.

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 9

Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Gawin natin ang tao na maging katulad natin. Sila ang mamamahala sa mundo at sa lahat ng mga hayop.”

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 10

Kaya kumuha ng alikabok ang Diyos, ginawa niya itong hugis tao, hiningahan niya ito para mabuhay. “Adam” ang pangalan niya. Gumawa ang Diyos ng halamanan para tirahan niya at pangalagaan.

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 11

Sa gitna ng halamanan nagtanim ang Diyos ng dalawang di-pangkaraniwang puno. Ang puno ng buhay at ang puno ng kaalaman ng mabuti’t masama. Sinabi ng Diyos kay Adam na pwede niyang kainin ang mga bunga ng puno sa halamanan maliban lang sa bunga ng puno na nagbibigay ng kaalaman ng mabuti at masama dahil ikamamatay niya kapag kinain niya ang bunga nito.

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 12

“Hindi maganda sa lalaki ang nag-iisa”, sabi ng Diyos. Pero wala naman sa mga hayop ang pwedeng makatuwang ni Adam.

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 13

Kaya pinatulog ng Diyos si Adam ng mahimbing. Kumuha ang Diyos ng isang tadyang mula kay Adam at ginawa niya itong babae, pagkatapos ay ipinakilala kay Adam.

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 14

Nang makita ni Adam ang babae sinabi niya, “Sa wakas! Ito na rin ang katulad ko.” “Babae” ang itatawag ko sa kanya dahil galing siya sa “lalaki”. Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang ama at ina niya para magsama sila ng asawa niya at maging isa.

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 15

Ginawa ng Diyos ang lalaki at babae na katulad niya. Pinagpala niya ang dalawa at sinabing, “Magkaanak kayo ng marami para dumami ang tao sa mundo.Tuwang-tuwa ang Diyos ng makita niyang maganda ang lahat ng mga ginawa niya. Nangyari ang lahat ng ito sa loob ng anim na araw.

1. Ang Kwento Tungkol sa Paglikha — illustration 16

Nang sumapit ang ikapitong araw, natapos na ng Diyos lahat ng ginawa niya kaya nagpahinga ang Diyos sa lahat ng ginawa Niya. Pinagpala niya ang ikapitong araw at ginawa niya itong natatangi dahil nagpahinga siya sa araw na ito. Ganito nilikha ng Diyos ang kalawakan at lahat ng mga bagay dito.

Kwento mula sa Genesis 1-2

Read in the reader

Free to use, adapt, and share under an open license (CC BY-SA 4.0).