25. Tinukso ni Satan si Jesus

25. Tinukso ni Satan si Jesus — illustration 1

Pagkatapos mabawtismuhan si Jesus, ginabayan siya ng Banal na Espiritu para magpunta sa ilang. Nag-ayuno siya doon ng 40 na araw at 40 na gabi. Dumating naman si Satan at sinubukan niyang tuksuhin si Jesus na magkasala.

25. Tinukso ni Satan si Jesus — illustration 2

Tinukso ni Satan si Jesus at sinabing, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos gawin mong tinapay ang mga batong ito para makakain ka.”

25. Tinukso ni Satan si Jesus — illustration 3

Sumagot naman si Jesus, “Nakasulat sa salita ng Diyos na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang mga tao kundi sa bawat salitang nanggagaling sa bibig ng Diyos.”

25. Tinukso ni Satan si Jesus — illustration 4

Pagkatapos dinala ni Satan si Jesus sa pinakamataas na bahagi ng Templo at sinabi ni Satan, “ kung ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon ka dahil nakasulat din naman sa Salita ng Diyos na uutusan niya ang mga anghel niya para saluhin ka para hindi man lang sumayad ang mga paa mo sa mga bato.”

25. Tinukso ni Satan si Jesus — illustration 5

Pero sumagot si Jesus na gamit din ang salita ng Diyos at sinabi, “Nakasulat din sa Salita ng Diyos na iniutos niya sa mga tao ‘huwag mong subukin ang Panginoong mong Diyos.”’

25. Tinukso ni Satan si Jesus — illustration 6

Pagkatapos, ipinakita ni Satan kay Jesus ang lahat ng kaharian sa mundo at ang kapangyarihan at yaman ng mga ito. Sinabi niya, “Ibibigay ko sa iyo lahat ng ito kung luluhod ka sa harapan ko at sambahin mo ako.

25. Tinukso ni Satan si Jesus — illustration 7

Sumagot si Jesus, “Layuan mo ako Satan! Ayon sa Salita ng Diyos, ‘Tanging ang Panginoon mong Diyos lang ang dapat mong sambahin at sa kanya lang dapat maglingkod.”’

25. Tinukso ni Satan si Jesus — illustration 8

Hindi hinayaan ni Jesus na matukso siya ni Satan kaya iniwan siya nito. Dumating naman ang mga anghel at pinaglingkuran si Jesus.

Kwento mula sa Matthew 4:1-11; Mark 1:12-13; Luke 4:1-13

Read in the reader

Free to use, adapt, and share under an open license (CC BY-SA 4.0).