35. Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama

35. Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama — illustration 1

Isang araw nagtuturo si Jesus sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanang tao na nagsama-sama para pakinggan siya.

35. Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama — illustration 2

Naroon rin ang ilan sa mga pinuno ng relihiyon at napansin nilang tinuturing na kaibigan ni Jesus ang mga makasalanan at pinintasan nila ito kaya sinabi ni Jesus ang kwentong ito.

35. Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama — illustration 3

“May isang ama na may dalawang anak na lalaki. Isang araw sinabi ng bunso sa ama niya, ‘Ama, ibigay mo na ang mamanahin ko ngayon!’Hinati ng ama nila ang lahat ng ari-arian niya para sa dalawang anak niya.”

35. Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama — illustration 4

“Nang makuha ng bunso ang mana niya, nagpakalayo-layo siya at winaldas ang pera niya sa masasamang gawain.”

35. Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama — illustration 5

“Hindi nagtagal nagkaroon ng matinding tag-gutom sa lugar na kinaroroonan ng bunsong anak. Wala na siyang perang pambili ng pagkain kaya tinanggap niya ang nag-iisang trabahong nahanap niya na tagapagpakain lang ng baboy. Kawawang-kawawa siya at gutom na gutom kaya napilitan na siyang kumain ng kanimbaboy.”

35. Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama — illustration 6

“Bigla siyang napaisip dahil sa hirap ng kalagayan niya kaya nasabi niya sa sarili niya, ‘Ano ba itong ginagawa ko? Maraming pagkain ang mga utusan ng ama ko, samantalang ako dito ay mamamatay na sa gutom. Babalik na lang ako sa ama ko at makikiusap na ibilang niya akong isa sa mga utusan.’’’

35. Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama — illustration 7

“Kaya umuwi siya pabalik sa bahay ng ama niya. Malayo pa lang, natanaw siya agad ng ama niya at ito’y nahabag sa kanya. Patakbo niyang sinalubong ang anak niya. Niyakap at hinagkan niya ito.”

35. Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama — illustration 8

“Humingi ng tawad ang bunsong anak at sinabing, ‘Ama, inaamin kong nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi na ako nararapat na tawaging anak mo”’

35. Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama — illustration 9

“Pero agad na inutusan ng ama ang isa sa mga alipin niya, “Dali! Kunin mo ang pinakamagarang damit at isuot mo sa anak ko. Suotan niyo siya ng singsing at sandalyas pagkatapos katayin niyo ang pinakamatabang baka at magdiwang tayo dahil namatay ang anak ko pero nabuhay siyang muli. Nawala siya pero ngayon, nahanap na!”’

35. Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama — illustration 10

“Kaya nagdiwang ang mga tao. Hindi nagtagal umuwi galing sa pagtatrabaho sa bukid ang panganay na anak. Narinig niya ang mga tugtugan at sayawan at nagtaka siya kung ano ang nangyayari.”

35. Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama — illustration 11

“Nang malaman niya na nagdidiwang sila dahil bumalik na sa bahay nila ang bunso niyang kapatid, galit na galit siya at ayaw niyang pumasok sa loob ng bahay. Kaya lumabas ang ama nila at nakiusap sa kanya na sumama sa kasayahan pero tumanggi siya.”

35. Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama — illustration 12

“Sinabi ng panganay sa ama nila, ‘Sa mga nagdaang taon, nagtatrabaho ako ng tapat para sa iyo. Ni minsan hindi kita sinuway pero hindi mo man lang ako nabigyan kahit maliit na kambing man lang para makapagsaya kami ng mga kaibigan ko, pero nang bumalik ang anak mong ito na lumustay ng pera mo sa masasamang gawain, nakuha mo pa siyang ipagkatay ng pinakamatabang baka.”’

35. Ang Kuwento tungkol sa Mapagmahal na Ama — illustration 13

“Sumagot naman ang ama, ‘Anak, palagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo rin. Dapat lang na magsaya tayo dahil namatay ang kapatid mo at ngayon, nabuhay siya. Nawala siya pero ngayon, nahanap na!”’

Kwento mula sa Luke 15:11-32

Read in the reader

Free to use, adapt, and share under an open license (CC BY-SA 4.0).